Masuksi West na palihim na pinprotektahan si Amber, pero si Damion e harap-harapan. AAAAAAHHH. Who's your bet? West o Damion? HAHAHAHHAA
“PERO KUNG NAG-AALALA KA TALAGA, PUWEDE KANG SUMAMA AT BANTAYAN MO AKO.”Nagtaas ng kilay si Czarina. “That’s your own business. I can’t be bothered with it.”“Go to work now. Stay home and wait for me to come back.” Pagkasabi noon, basta na lamang niyang tinapik ang ulo ni Czarina, saka ang ulo ni Tiantian, bago tuluyang naglakad palayo.“Hmph! Who wants to wait obediently for you?”Inilabas ni Czarina ang dila niya sa likod ni Damion. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pag-aalala sa lalaki.Buong umaga siyang medyo wala sa sarili hanggang sa tinawag siya ni Tito Fran para kumain. Matapos ayusin ang kumot sa natutulog na si Tiantian, dahan-dahan siyang nagpunta sa dining area.Pagdating niya roon, hindi niya nakita si Alejandro kaya agad siyang nagtanong, “Nasaan si Papa?”“Sabi nila, masyado raw silang nabusog kaninang umaga at sumama ang tiyan nila, kaya hindi na sila nag-lunch.”“Oh.”Napatingin si Czarina sa mesa na puno ng pagkain. Bigla siyang nagkaroon n
“I JUST SAW YOU TWO HOLDING HANDS.”Habang nagsasalita, itinaas pa ni Wendy ang mahigpit na nakakuyom nitong kamay sa harap ni Czarina, na para bang ipinapakita kung paano sila naghawak-kamay.Agad siyang itinulak ni Czarina palayo. “He’s a patient now. Hindi siya stable maglakad, so anong masama na tinutulungan ko lang naman siya?”“Oh dear, patient din ako. Could you help me up?” Nagpanggap na nanghihina si Wendy at nakasandal pa kay Czarina.Walang sabi-sabing muli siyang itinulak ni Czarina palayo. “Grabe, wala talagang fairness pagdating sa opposite sex!” reklamo ni Wendy. “Kanina, ang gentle-gentle mo kay Damion. Sa’kin naman, parang gusto mo akong itulak sa kabilang mundo!” “Puwede ba, huwag kang sumigaw? Para naman may ginawa talaga kami ni Damion!”“Mag-asawa naman kayo, so kahit anong gawin n’yo, legal.”Hinimas ni Wendy ang ilong niya nang makita ang masamang tingin ni Czarina. “Okay, okay! Hindi na kita aasarin.”Agad na nagbago ang ekspresyon niya at naging seryoso. “Pe
“ANONG NANGYARI SA ‘YO?”“Pagod na ako. Let’s stop our walk here for today. Babalik na ako.” Pagkasabi no’n, agad na tumalikod si Damion para bumalik sa loob. “Sandali!”Napahinto si Damion. Wala na siyang choice kundi lumingon kay Czarina.Tinitigan siya ni Czarina nang masama bago iritang nagsalita. “Hindi pa nga tayo nakakarating sa garden, may gana ka nang magsabing pagod ka? Para saan pa at nilantakan mo lahat ng pagkain sa mesa kung gano’n?!”“Eating a lot doesn’t mean I have the strength.”Bahagyang napangiwi si Czarina. “Gusto mo bang humiram ako ng wheelchair para sa’yo?”Bahagyang gumalaw ang mga labi ni Damion, pero sa huli ay sumuko rin siya.“Okay. I’ll go sunbathe. Let’s go.”“Hmph. Ang arte. Para bang agrabyado.” Napairap si Czarina habang naglalakad ulit. “Akala ba niya gustong-gusto ko siyang lapitan nang ganito ka-close?”Pero nang sumulyap siya sa gilid, napansin niyang mahigpit na nakahawak ang kamay ni Damion sa laylayan ng bathrobe niya. Para bang maingat itong
MAG-UUSAP PA SANA SINA CZARINA AT TITO FRAN nang biglang dumating ang kasambahay na aligaga at balisa.“Madam, umiiyak po si Tiantian. Mukhang hinahanap po kayo.”“Oh, pupunta na ako.”Mabilis na sumunod si Czarina sa maid habang sinisisi ang sarili. Paano niya nakalimutang kamustahin si Tiantian nang gano’n katagal?Pagdating nila sa silid ni Alejandro, hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay narinig na niya ang malakas at malungkot na iyak ni Tiantian.Agad niyang binuksan ang pinto at pumasok. “Mommy’s here. Good baby, huwag ka nang umiyak.”Kinuha ni Czarina si Tiantian mula sa mga bisig ni Alejandro at marahang kinarga ito.Mukhang labis na nasaktan ang damdamin ng bata. Sumandal ito sa balikat ni Czarina, at hindi nagtagal ay nabasa na ng mga luha nito ang damit niya.Mabuti na lang at unti-unting kumalma si Tiantian. Sa huli, humihikbi na lang ito at hindi na tuluyang umiiyak.Nang tuluyan nang kumalma ang bata, hinalikan ni Czarina ang noo nito. Hindi niya maiwasang masaktan
HINDI NA PINANSIN PA NI CZARINA si Damion at walang sabi-sabi itong lumabas ng silid. Magulo ang isip ni Czarina ngayon, kaya gusto niyang maghanap ng tahimik na lugar para pakalmahin ang sarili.Para hindi siya madisturbo, nagpunta siya sa hardin at nagtago sa may malaking puno.Gusto niyang isa-isahin sa isip ang lahat ng sinabi ni Damion, pero nanginginig ang mga daliri niya at hindi niya talaga kayang mag-concentrate.Kaya ipinikit na lang niya ang mga mata niya at pinilit na pakalmahin ang sarili. Buhay pa si Kuya…Paulit-ulit na umikot sa isip niya ang mga salitang iyon. Unti-unti ring kumalma ang paghinga niya. Pero hindi nagtagal, may marahang yabag na papalapit sa kanya.“Zari?”Nang marinig niya ang kalmadong boses ni Tito Fran, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Czarina. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya.“Ikaw nga. Ang lamig dito. Bakit ka naman nakaupo rito?”Yumuko si Czarina at mahina ang sagot. “I… gusto ko lang maglakad-lakad dito. Tapos naupo muna ako nang mapago
“I LIKE YOU.”Agad na nanlisik ang mga mata ni Czarina kay Damion, na para bang kaya siyang sunugin ng tingin.Hay.Sa tuwing umaamin siya ng feelings niya, lagi lang siyang nakakatanggap ng malamig na tingin mula kay Czarina. Pakiramdam tuloy ni Damion, unti-unting niyuyurakan ang natitirang self-esteem niya.Pero kahit niyuyurakan na iyon, wala rin naman siyang magagawa. Pupulutin niya pa rin ito, lilinisin, at itatabi para magamit ulit sa susunod.“Okay, okay. Hindi na ako magsasalita,” sabi niya sa mahinahong tono. “Every time I try to speak my mind, lagi mo akong tinitingnan nang ganyan.”“Sino bang gustong makarinig ng true feelings mo? Bilisan mo na lang—”“Eating, right?” mabilis na salo ni Damion. “Let’s eat. Mauubos ko rin ‘to.”Tinupad naman ni Damion ang sinabi niya. Kahit mabagal siyang kumain, naubos pa rin niya ang lahat ng pagkain.Pagkatapos kumain at uminom nang sapat, napahawak si Damion sa tiyan niya. Biglang kumunot ang mukha nito na para bang nasasaktan.Ano na n
MATAPOS SABIHIN IYON NI DAMION, iniwan niyang mag-isa si Cassidy sa silid nito. Nang marinig ni Cassidy ang pagsara ng pintuan, hindi niya mapigilang maiyak. Napakuyom siya ng kamao na halos bumaon na sa palad niya ang matulis nitong kuko, pero wala siyang ibang nararamdaman kundi sakit sa puso.“W
KINABUKASAN, dumalaw si Wendy sa mansyon ng mga Marquez dahil sa labis na pag-aalala niya kay Czarina. Halos isang buwan na niyang hindi nakikita ang kaibigan.“Zari, have you been sick lately?” tanong ni Wendy. “Hindi ka na pumapasok? May nangyari ba?”Sinuri ni Wendy ang kaibigan mula ulo hanggang
DAMION’S PENTHOUSE.Matapos magsalita ni Czarina kanina na halos tumagos sa puso ni Damion ay bigla itong nawalan ng malay. Hindi niya ito kayang dalhin pauwi sa kanila dahil papagalitan na naman siya ng kanyang ama, kaya naman ay dinala niya si Czarina sa kanyang penthouse.Dahan-dahan na inihiga
“RINA, NO! PLEASE, WAKE UP!”Napapikit ng mga mata si Czarina, may ngiti sa labi at dahan-dahan na inabot ang pisngi ng lalaki. “I-I’m so…”“Don’t speak!” nanginginig na saad ni Damion.“I’m s-sorry… Dam…”Inabot ni Damion ang nanlalamig na kamay ni Czarina na nakadapo sa kanyang pisngi, pero bago







