Dahil naging emosyonal si Sonia, hindi alam ni Bernard ang gagawin para mapatahan ito. Dumukot na lang siya ng panyo na nasa bulsa niya at inabot niya sa dalaga. "Ma'am, tahan na po. Alam ko pong masakit ang napagdaanan ninyo dahil isang Armano ang kasama ninyo sa iisang mansyon. Kung sa ibang tao, halos wala nang puso ang kaniyang pinaggagagawa, sa inyo pa po kaya na anak-anakan lamang niya," sabi ni Bernard. Nagpasalamat naman si Sonia nang makuha nito ang panyo at ipinunas sa kaniyang mga luha. Samantala, tumingin naman sa ibang direksyon si Bernard. Napapaisip ito nang maalala niya ang nangyari kanina sa school. Ang kaniyang mga kasamahan na balak dakpin si Dahlia. "Kung tutuusin po, ma'am Sonia, matagal ko na pong gustong kumawala sa hawla ng inyong ama--este--ama-amahan. Natatakot ako para sa pamangkin ko sakaling may mangyaring masama sa 'kin. At ang masakit pa ro'n, baka may mangyari ding masama sa pamangkin ko. Pero, ma'am, hindi ko po magawa e. Kilala ko si Armano. Hinding
Dernière mise à jour : 2025-09-25 Read More