"Ano ba?! Bakit niyo ba ako sinusundan? Pwede ba, lubayan ninyo ako!?" naiinis na tanong ni Dahlia nang tignan niya sina Sonia at Bernard na nasa likuran niya sa may 'di kalayuan. "Sinisira ninyo ang plano ko.""Sa tingin mo ba, matatalo mo silang lahat, Dahlia? Kahit anong galit mo, kung marami sila, marami sila. Kailangan mo ng kasama. H'wag ka nang magmatigas," sabi naman ni Bernard."Bakit ba pinipilit ninyo ang gusto ninyo?! Tsk! Hindi ba, kaalyado kayo ng demonyong 'yon? Kaya siguro naging malapit kayo sa--""Maghunos-dili ka nga sa mga pinagsasasabi mo," biglang sambit ni Sonia saka ito tinapatan. "Hindi porket nakita mo sa mga mata mo na nakasama namin ang demonyong 'yon, ibig sabihin, kakampi niya kami. D'yan ka nagkakamali, Dahlia," sabi pa nito habang nakatitig nang seryoso. "Akala ko ba, guro ka? Hindi ba, bawal ang manghusga ng kapwa? Hindi ba, itinuturo mo rin 'yan sa mga kabataan? Pero bakit gano'n? Bakit parang ikaw, lubos-lubos kung gawin mo? Mga inosente kami, Dahlia
Terakhir Diperbarui : 2025-09-27 Baca selengkapnya