Matapos sumakay sa sasakyan at bumyahe, nakababa na sina Bernard, MetMet at Dahlia sa tapat ng gate ng school. Nang magsimula nang maglakad ang tatlo, gano'n pa rin ang hitsura ni Dahlia. Tulala at wala sa sarili. "Bernard, hindi ba, sinabi mo na yung politikong 'yon ay si Armano Imperial? Siya ang amo mo, hindi ba?" biglang tanong ni Dahlia sa malumanay na pananalita."Oo, bakit?" tugon naman ni Bernard saka tanong sa dalagita. Ngunit imbis na masagot 'yon ni Dahlia, bigla na lang silang napatingin nang tawagin ito ng mga kapwa guro. Kaagad naman silang lumapit dito."Dahlia, sayang, nagkasalisi kayo nung dalawang lalaki," sabi ng kapwa guro ni Dahlia sa kaniya."Dalawang lalaki? Sino naman ang mga 'yon?" takang tanong ni Bernard."Anong sadya nila sa 'kin? Sinabi ba?" tanong naman ni Dahlia."E ang pagkakaalam ko sa sinabi nila kanina, kailangan ka raw nilang makausap. Ni hindi nga nagpakilala kung sino sila e," tugon naman ng kasamahan
Terakhir Diperbarui : 2025-09-22 Baca selengkapnya