Maagang gumigising si Dahlia upang makapag-ehersisyo at i-training ang sarili. Hawak niya ang dalawang arnis habang ini-ensayo ang self-defense. Bagaman ilang taon na siya ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang bilis at liksi pagdating sa pakikipaglaban."Wala ka pa rin'g pagbabago, ate, talagang magaling ka pa rin pagdating sa ganitong bagay," sabi ni Semir na tila kanina pa pinanonood ang kaniyang kapatid.Huminto si Dahlia at nakangiting tinignan ang kaniyang kapatid. Kinuha niya ang face towel na nakasampay sa kaniyang balikat at pinunas ito sa kaniyang mukha't leeg, habang patungo kay Semir."Kailangan e. Hindi naman porket tumatanda na ako e.... pababayaan ko na rin ang sarili ko," sagot ni Dahlia."Nakakatuwa lang isipin na twenty years ng tahimik ang buhay natin, after ng mga nangyari noon. Naalala ko pa rin si Daddy at ate Sonia," pagbabalik-tanaw ni Semir. Ngumiti siya sa kaniyang kapatid kahit na bakas doon ang lungkot."May katapusan naman ang lahat, Semir. Hindi man naging
Read more