"Hmm... Ako? Pangarap ko na talaga ang maging isang guro. Bukod sa gusto 'yon ng tatay ko para sa 'kin. Pinilit kong makapag-aral at makapagtapos kahit na walang-wala akong pang-tuition noon. Kaya ayun, bunga ng paghihirap kaya naging guro na ako," kwento naman ni Dahlia."Bakit? Ano ba ang trabaho ng tatay mo?""Tsaka may nanay ka pa ba?"Napangiti na lang nang tipid si Dahlia saka huminga nang malalim. "Naunang namatay ang tatay ko dahil sa baril. Gayundin naman ang nanay ko ilang taon ang lumipas. Actually, mayaman ang tatay ko, pero may una siyang asawa at may dalawang anak. Anak lang kasi niya ako sa labas. Pero kahit gano'n, mahal na mahal niya ako," paliwanag ni Dahlia."Teka, kung mayaman ang tatay mo, bakit kailangan mo pang maghirap para makapag-aral? E sabi mo naman, mahal na mahal ka niya, hindi ba?" tanong na naman ng kapwa niya guro."Hindi pa ako nakakatuntong ng kolehiyo nang mamatay ang tatay ko. E wala namang ipinamanang
Terakhir Diperbarui : 2025-09-11 Baca selengkapnya