Nagpaalam si Armano sa kaniyang asawa at mga anak-anakang sina Semir at Sonia upang mangampanya. Hinalikan niya sa noo si Abella bago ito tuluyang umalis. Naiwan naman ang mag-iina sa dining area at tinatapos ang kanilang almusal."Semir, don't forget to introduce your girlfriend to me. Kung mainam, mamaya mo na siya dalhin. Kung hindi, maaaring sa ibang araw na lang. Basta, dapat makilala ko kung sino siya. Malay ko baka kung sino-sino na lang ang pinatulan mo, hijo. Mommy doesn't want you to become miserable someday nang dahil lang sa babae," pagpapaalala ni Abella bago nito higupin ang kaniyang tsaa."Mom, don't worry, ipakikilala ko siya sa 'yo at sa family natin. And don't worry, hindi siya kung sino-sino lang. I assure you, magugustuhan niyo siya," nakangiti namang tugon ni Semir saka kinain ang kaniyang breakfast. Habang ngumunguya, may bigla na lang lumitaw sa isipan niya. Kaya't nang malunok na niya ang kinakain, saka siya muling nagsalita. "Mom, hindi ba,
Terakhir Diperbarui : 2025-09-17 Baca selengkapnya