Hindi sumagot si Jacob sa tanong ni Francesca. Nananatiling nakatingin lang ito sa iPad. “Napagalitan ka ba ng daddy mo?” pang-uusisa niyang muli.Doon lang ito sumagot, pero iling at tango lang ang ginawa nito. Bigla siyang naguluhan.“Ano ba talaga, Jacob? Malay mo naman, matulungan kita. O, kung gusto mo, ako na lang ang kakausap sa daddy mo,” aniya.Lumingon ito sa kaniya. Napansin niyang unti-unting nawala ang lungkot sa mga mata nito. “Really? You’re going to do that?” tanong nito. Bakas sa tono ng boses ang sigla. “Oo ba! Basta, kaya ko,” nakangiting sagot niya rito. Nawala sa isip niya kung ano nga ba ang nangyari at nagkakaganoon ito. Basta noong makita niya itong malungkot, naawa siyang bigla rito. At hindi rin naman niya maintindihan ang sarili kung bakit. Siguro dahil, pakiramdam niya pareho sila ng sitwasyon?“Eh, kasi, I asked Daddy if he could buy me a dog. But he immediately said no. I explained to him that we will be the one taking care of it, but he just gave me
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-13 อ่านเพิ่มเติม