Hindi agad natapos ang usapan. Matapos ang unang bugso ng pag-amin, ng kilig ni Isabella, at ng mabigat pero maunawaing titig ng mga magulang niya, nanatiling nakaupo si Althea sa gitna ng hapag-parang may isang bagay pang gustong kumawala sa dibdib niya. Alam niyang hindi pa tapos. Hindi pa kumpleto ang katotohanan. At alam din niyang kung sasabihin niya ito ngayon, mas magiging malinaw sa kanila kung sino talaga siya-hindi lang bilang anak, kundi bilang isang babaeng marunong pumili. "Teka," biglang sabi ni Isabella, nakasandal ang baba sa palad. "So... kayo na. Confirmed. Maldives. Three weeks ago." Ngumiti ito, parang binibilang sa isip ang mga detalye. "Pero bakit parang may kulang?" Napatingin si Althea sa kapatid. Si Maria Elena ay tahimik lang, pero nakamasid. Si Roberto ay nakaupo nang tuwid, parang handang makinig muli. Huminga nang malalim si Althea. "Oo," sabi niya, mahinahon. "Kami na po."Tumigil siya sandali, saka nagpatuloy."Pero... ang relasyon po namin ay
Huling Na-update : 2025-12-30 Magbasa pa