Ang unang tumama kay Thea pag-landing nila sa Manila ay kakaibang bigat-parang bumalik ang gravity pagkatapos ng ilang araw sa Maldives. Hindi mabigat sa katawan, mabigat sa dibdib. Reality,Manila,House,Family,Rules, Secrets. Habang papalabas ng airport, naroon si Bash-tall, composed, suot ang black shirt at jacket, hawak ang maliit na carry-on. Balikat niya pamilyar, pero biglang may distansya. Hindi sila nag-uusap, pero ramdam ni Thea ang presensya niya. Isang quiet reassurance sa gitna ng stress. Hindi tulad ng Maldives. Walang hawak-kamay, walang halik, walang "baby" o "my Thea." Just quiet. Quiet, pero puno. Pagdating nila sa driveway ng bahay nila Thea, huminto si Bash sa tabi ng sasakyan. Lumingon siya sa kanya. Mata lang ang nag-usap. "You okay?" tanong niya, mahina. Tumango si Thea. "Medyo." Bash stepped closer-not too close, pero sapat para maramdaman ang kaunting touch sa braso niya, mabilis at discreet. "Text mo ako pag nakapasok ka na sa bahay," bulong niya, voice
Last Updated : 2025-11-30 Read more