Kung may isang bagay na malinaw kay Althea Velasquez matapos ang lahat ng kaguluhan, iyon ay ang katotohanang ito,hindi na babalik ang mundo sa dati, pero natutunan nitong huminga muli.Hindi na siya ginising ng sunod-sunod na tunog ng notifications na parang mga bala.Hindi na siya nagmulat ng mata na may bigat sa dibdib, nagtatanong kung anong klaseng laban na naman ang haharapin niya sa araw na iyon.Hindi na siya natulog na may takot na baka bukas, iba na ang tingin ng mundo sa kanya.Sa araw na iyon—ang ikalawang huling araw ng kanyang internship—pumasok siya sa Castillo Group na walang dala kundi katahimikan. Hindi katahimikang puno ng tensyon, kundi katahimikang marunong tumanggap.Tahimik ang elevator. May iilang empleyadong sumabay, may mga pamilyar na mukha, may mga bago. May tumango, may ngumiti, may hindi nag-react. At sa unang pagkakataon, wala ni isa roong sinuri siya mula ulo hanggang paa na parang may kasalanang kailangang hanapin.Naglakad siya sa hallway na dati’y
최신 업데이트 : 2026-01-26 더 보기