Ang hangin sa labas ng unibersidad ay tila naging mas presko para kay Althea. Sa wakas, ang dambuhalang tinik ng thesis defense ay nabunot na sa kanyang dibdib. Habang pababa sila ng hagdan nina Lianne, Mia, at Kaira, hindi pa rin sila makapaniwala na tapos na ang lahat. Hawak-hawak nila ang kani-kanilang mga clearance at ang matatamis na ngiti na tanging mga graduating students lang ang nakakaramdam. “Girl, kurotin mo nga ako!” hirit ni Lianne habang tinitignan ang kanyang reflection sa salamin ng lobby. “Graduating na ba talaga tayo? O baka imagination ko lang ‘to dahil sa sobrang puyat?” “Totoo na ‘to, Lianne! At wag kang mag-alala, mamaya ay mawawala na yang eyebags mo sa sarap ng pagkain,” natatawang sagot ni Mia. Paglabas nila sa parking lot, hindi lang isang sasakyan ang bumungad sa kanila. Parang may auto-show sa tapat ng school dahil nakapila ang mga luxury cars nina Sebastian, Dylan, Jace, at Drake. Si Sebastian ay nakasandal sa kanyang itim na sports car, suot ang kan
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-10 Mehr lesen