Matapos ang simpleng agahan, nagpatuloy ang umaga nila na parang ordinaryong araw lang, ngunit may kakaibang ginhawa sa hangin. Nang matapos si Arcturus sa pagkain, agad siyang tumayo para iligpit ang kanyang plato.“Leave it, ako na,” pigil ni Cressida, agad na inabot ang plato mula sa kamay niya.“Hindi, ako na. Kumain ka na lang ng maayos,” sagot ni Arc, pero mabilis na sinamaan siya ng tingin ni Cressida kaya napangiti na lang ito at sumuko. “Fine. Ikaw na reyna ng kusina.”Habang nagsasalin siya ng tubig sa baso, dinig niya ang marahang kaluskos ng mga hakbang ni Arcturus sa sala. Sumilip siya at nakita itong nakaupo sa sofa, nakayuko, at inaayos ang suot na relo. Tahimik, malalim ang iniisip.“Arc,” tawag niya mula sa kusina, bahagyang nakataas ang boses. “Huwag mong kalimutan ‘yung baon mo.”Narinig niya ang mahina nitong tawa, saka tumingin pabalik. “Hindi mo talaga ako tatantanan tungkol do’n, ano?”“Hindi,” mabilis na sagot niya. “Kaya kung gusto mong walang marinig, kainin 
 Última actualización : 2025-09-22
Última actualización : 2025-09-22