Pauwi na sila mula sa restaurant, sakay ng black luxury car na inihanda ng kuya ni Cressida. Malamig ang hangin mula sa aircon, at habang nakaupo silang apat sa malalambot na leather seats, hindi mapigilan ang sunod-sunod na tawanan.“Grabe, ang laki ng steak mo kanina, Conah,” bungad ni Charlie, humahagikhik. “Feeling ko isang baka ang nawala sa mundo dahil sa’yo.”“Excuse me,” sagot ni Conah na nakataas ang kilay, “hindi baka ang kinain ko, *art*. Filet mignon iyon, hindi basta-basta karne. Culture yan, girl.”“Culture daw!” singit ni Ibyang. “Eh halos maluha ka nang hindi mo malunok nung una.”Natawa nang malakas si Cressida, halos mapahawak siya sa tiyan. “Oo nga! Ang tapang ng mukha mo pero yung first bite, parang pinipilit mo lang para sosyal.”“Whatever,” sagot ni Conah, pero hindi maitago ang ngiti.Nagpatuloy ang kulitan, at si Charlie naman ang pinagdiskitahan. “At ikaw, Charlie,” ani Ibyang, “parang photoshoot yung pagkain mo kanina. Dalawang oras bago mo tuluyang kainin yu
 Última actualización : 2025-09-24
Última actualización : 2025-09-24