Maaga pa lang ay gising na si Cressida, ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya mag-isa. Sa living room ng suite ay nakabalandra sina Conah, Charlie, at Ibyang—lahat ay nakatambay at parang excited pa kaysa sa kanya.“Hoy, girl,” bungad ni Charlie, habang kumakain ng croissant mula sa room service. “Ready ka na bang pasabugin ang camera?”Napailing si Cressida, pero hindi maitago ang ngiti. “Ako dapat ang may photoshoot, bakit parang kayo ang mas excited?”“Eh hello,” sabat ni Conah, “hindi araw-araw na makakakita kami ng live na behind the scenes ng isang fashion goddess.”Nagkunwaring nahimatay si Ibyang sa sofa. “Grabe, goddess talaga. Friend, kailangan kong mag-retouch, baka masapawan ako ng presence mo mamaya.”Tawanan silang lahat, at sa sandaling iyon, ramdam ni Cressida na wala nang mas nakakapagpasaya pa sa kanya kundi ang makita ang barkada niyang ganito—alive, teasing, and simply themselves.---Pagdating nila sa studio, agad na sinalubong si Cressida ng team—stylists, makeu
 Last Updated : 2025-09-26
Last Updated : 2025-09-26