Matahimik ang umaga sa villa. Sa unang pagkakataon nitong linggo, walang naka-schedule na fitting, photoshoot, o meeting si Cressida. Binuksan niya ang malalaking bintana ng kanyang silid at sinalubong siya ng hangin mula sa dagat. Ramdam niya ang ginaw na may halong alat ng dagat, at ang liwanag ng araw ay dahan-dahang pumapasok, nagdudulot ng ginhawa sa mga mata niya.“Finally,” mahina niyang bulong, parang sinasamba ang katahimikan.Nagbihis siya ng simpleng silk robe, at bumaba sa kusina ng villa. Nag-ayos siya ng sariling brunch: croissant, prutas na berries, kaunting cheese, at mainit na jasmine tea. Walang magagarang plato, walang usiserong staff—siya lang, at ang simpleng kasiyahan ng umagang walang kahabol-habol.Habang kumakain, napangiti siya nang maalala ang dinner nila kagabi kasama sina Anikha at Evander. May kakaibang saya sa loob niya, ang klase ng tawanan na hindi scripted, hindi para sa kamera, kundi natural at totoo.At bago siya lamunin ng katahimikan ulit, naisip 
 Terakhir Diperbarui : 2025-09-27
Terakhir Diperbarui : 2025-09-27