Noong una silang naghiwalay ni Cressida, akala niya kakayanin niya. Kaya niyang magpatuloy, kaya niyang magpanggap na wala lang. Sa mga unang linggo, binuhos niya ang sarili sa trabaho—endless meetings, kontrata dito, project doon. Para lang hindi marinig ang katahimikan sa bahay. Para hindi maramdaman ang lamig ng kama na dati’y punô ng init ng hininga nito.Pero tuwing gabi, kapag wala nang tao, saka siya bumibigay. Umuuwi siyang lasing, minsan hindi na man lang nagtatanggal ng sapatos, babagsak na lang sa sofa habang nag-iisa. Hindi siya sanay. Hindi siya handa. At bawat oras na wala si Cressida, para siyang hinihila sa dilim.Naisip niya noon—baka mabaliw na siya.Isang beses, hatinggabi, tinawagan niya ang numero ni Cressida. Isang ring. Dalawa. Tatlo. Pero nang sumagot ang awtomatikong boses, agad niyang ibinaba. Pinipigilan niyang maging desperado, pero sa totoo lang, desperado na siya. Hindi niya alam paano haharapin ang buhay na wala ito.---“I endured everything after you l
 Last Updated : 2025-10-01
Last Updated : 2025-10-01