AUDREYHabang sabay-sabay kaming kumakain sa dining area, ramdam ko na kahit papaano ay bumabalik na sa normal ang lahat. Nasa iisang mesa kami nila Shane, Mama, si Melody, pati sina Kevin at Andrea. Nasa gilid naman sina Brad, Kiko at Leo, pero kasama pa rin sa usapan. May konting tawanan, may mga simpleng kwentuhan, at sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, pakiramdam ko pwede na ulit akong huminga nang maayos.Hinawakan ko ang kamay ni Shane sa ilalim ng mesa, parang reassurance sa sarili ko na ligtas na kami. Nasa crib malapit sa amin sina Troy at Tyler, tahimik na natutulog habang may bantay.Biglang nagsalita si Shane, medyo seryoso pero may bahagyang ngiti. “I think we all need a break,” sabi niya habang tumingin sa amin isa-isa. “Let’s go on a vacation.”Napatingin ako sa kanya agad. “Vacation?” tanong ko, medyo nagulat. “Now?”Tumango siya. “Yes. Lahat tayo stressed. Lalo na ikaw,” dagdag niya habang marahang hinaplos ang kamay ko. “You need to relax, Audrey.”Na
Read more