MIRANDATahimik lang ako, nakaupo sa gilid ng kama, habang naririnig ko ang boses ng doctor sa harapan ko. Hindi ako gumagalaw. Hindi ako kumukurap nang madalas. Sanay na ako sa ganitong eksena. Ilang beses na nila akong kinausap, tinawag ang pangalan ko, sinubukang kunin ang atensyon ko.“Miranda, do you hear me?”Naririnig kita, gusto kong sabihin. Malinaw pa sa malinaw. Pero hindi ako kikibo. Hindi ko siya bibigyan ng kahit anong reaksyon. Hinayaan ko lang na nakatunganga ako sa isang punto sa dingding, parang wala akong naririnig, parang wala akong naiintindihan.“Miranda,” ulit niya, mas mabagal ang tono, parang kinakausap ang isang batang hindi marunong umintindi. “Since we were able to conduct a diagnosis that you are really not in a proper state of mind, you will stay here as long as you will not heal.”Sa loob-loob ko, napangisi ako, pero syempre hindi makikita sa mukha ko. Hindi proper state of mind. Kung alam mo lang, doc, kung gaano kalinaw ang isip ko ngayon.“You will no
Read more