AUDREYNakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame habang pilit kinakalma ang sarili ko. Ilang araw na rin akong nandito sa kwarto na ‘to, at kahit sinasabi nilang safe ako, hindi pa rin nawawala yung pakiramdam na parang may mali. Parang may kulang. Parang may paparating na hindi maganda.Dahan-dahan kong hinimas ang tiyan ko, ramdam ko yung buhay na dala ko. Kahit papaano, doon ako kumakapit.“Baby…” bulong ko, “Siguro ngayon… nagsisimula na ang kasal ng daddy mo.”Napapikit ako sandali, iniisip si Shane. Kung nasaan siya ngayon, kung ano ang iniisip niya, kung okay ba siya.“Pero peke lang naman ‘yon,” dagdag ko, pilit ngumiti. “Drama lang ‘yon para mahuli si Miranda.”Huminga ako nang malalim, pero hindi pa rin nawawala yung bigat sa dibdib ko.“Sana lang hindi siya masaktan,” bulong ko ulit. “Sana matapos na ‘to… sana makulong na si Miranda.”Ilang segundo akong natahimik, nakahawak pa rin sa tiyan ko, parang doon ako humihingi ng lakas. Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinaka
Read more