Miranda Tahimik ang buong kwarto nang dahan-dahang nagsara ang pinto. Narinig ko pa ang click ni Mama—nilock niya talaga, siniguradong walang makakapasok. Nakahiga pa rin ako sa kama, nakapikit, kunwari wala pa ring malay. Talang kinarir ko sa pag-acting.“Okay na,” mahina pero malinaw na sabi ni Mama.Pagkasabi nun, binuksan ko ang mga mata ko. Dahan-dahan, parang eksena sa pelikula. Pagtingin ko sa kanila, agad silang lumapit—si Mama, si Papa—parehong may ngiti na parang sabik na sabik sa susunod naming gagawin.“Tangina… akala ko hindi na aalis yung nurse,” sabi ko, napahinga nang malalim. “Tumambay pa talaga kanina dito naghaharutan lang sila nung isang nurse na lalake. Ayoko na ulit iyon ang matoka sa akin, mag request kayo ng iba. Ginagawang motel itong kwarto ko. Mga baboy.”Napatingin sa akin si Mama at napatawa, “Anak, ako ang bahala pero iisa lang ang ibig sabihin sobrang effective ng arte mo kasi hindi nila talaga nahahalata na hindi ka comatose.”Umupo si Papa sa gilid ng
Last Updated : 2025-11-21 Read more