Tahimik ang gabi nang dumating sila sa penthouse ni Kaiden. Maluwang, moderno, at puno ng malamig na kulay ang paligid. Ngunit para kay Ava, pakiramdam niya ay para siyang lumipat sa ibang mundo, malayo sa lahat ng ingay, tsismis, at panganib ng labas.“Kung may kailangan ka, sabihin mo lang,” ani Kaiden habang inaalalayan siyang maupo sa malambot na sofa. Kita ang pagkabahala sa kanyang mukha, para bang anumang maling galaw ni Ava ay makakasama sa bata. “Ayokong magalaw mo ang kahit ano na magpapa-stress sa ’yo.”Napatawa si Ava, bahagyang gumaan ang pakiramdam. “Parang first class hospital ba ’to?”“Kung iyon ang kailangan para makasiguradong ligtas ka, then yes,” sagot niya nang diretso, dahilan para mapailing siya.Habang si Kaiden ay nasa kusina at naghahanda ng tea, naglakad si Ava papunta sa malaking bintana. Mula roon, tanaw niya ang mga ilaw ng lungsod—parang bituin na bumababa sa lupa. Hawak niya ang kanyang tiyan, banayad ang haplos, sabay bulong:“We’re safe
Terakhir Diperbarui : 2025-09-22 Baca selengkapnya