Sa labas, magkaibigan pa rin sina Ava at Clara. Lagi silang magkasama kumakain, nag-aaral, nagsasabay umuwi. Sa paningin ng lahat, inseparable silang dalawa.Ngunit sa loob ni Clara, unti-unti nang kumakapal ang ulap ng inggit.Isang araw bago ang Science quiz bee, sabay silang nagreview sa library. Habang si Ava ay masayang nagbabasa ng reviewer, tahimik lang si Clara.“Clara, look,” nakangiti si Ava, sabay turo ng mahirap na tanong sa libro. “Ang dali lang pala nito kapag in-apply mo ‘yung formula. Alam ko na ang sagot!”Napakagat-labi si Clara. Gusto niyang magsabi ng, “Oo nga, ang galing mo talaga,” pero ang lumabas lang ay malamig na, “Ah, okay.”Kinagabihan, dala ang bigat ng loob, nagplano siya. Habang magkasama silang naghahanda, kinuha niya ang reviewer ni Ava at nilipat sa ilalim ng kanyang sariling bag.Kinabukasan, hinanap-hanap ni Ava ang kanyang reviewer. “Weird, I can’t find it,” sabi nito, halatang nag-aalala.Ngumiti si Clara, kunwari ay nagtat
最終更新日 : 2025-09-30 続きを読む