Malakas ang ulan nang gabing iyon. Ang mga ilaw ng ospital ay tila nag-aagawan laban sa dilim, habang ang mga kulog at kidlat ay bumubuo ng malagim na himig sa paligid.Nasa loob ng delivery room si Ava, nanginginig, hawak-kamay ni Kaiden. Pawis na pawis siya, hingal na hingal, at halos mawalan ng ulirat sa sakit na nararamdaman.“Hold on, Ava. Just a little more,” bulong ni Kaiden, nakayuko sa kanya, pinapahid ang pawis sa noo nito. Ang tinig niya’y puno ng takot, ngunit pilit niyang pinatitibay ang loob ni Ava.“Kaiden… I’m scared,” mahinang sambit ni Ava, luhaan. “Parang… parang hindi ko kaya.”“Hindi,” mariin na sagot nito, pinisil ang kanyang kamay. “Kaya mo. Nandito ako.”Sa labas ng delivery room, naroon si Liam, naglalakad-lakad sa hallway. Hindi siya mapakali. Ilang oras na siyang naghihintay, at parang bawat segundo’y mabigat na tanikala sa dibdib niya. Ngunit hindi lang iyon ang bumabagabag sa kanya dahil kanina lang, bago sila pumasok sa ospital, may nata
Dernière mise à jour : 2025-09-26 Read More