Sa WarehouseAlas-dose ng gabi, dumating si Kaiden sa lumang warehouse sa pier. Ang dilim ay nagpapalakas sa tensyon; walang tao sa paligid, tanging kaluskos ng alon at hangin ang naririnig. Hawak niya ang baril, mahigpit, handang pumatay kung kinakailangan.Sa loob, may iisang ilaw na nakasindi, at sa ilalim nito ay si Jonas, nakaupo, nakangisi habang hawak ang remote device.“Finally, Alcaraz,” malamig na bungad ni Jonas. “Alam mo bang ilang taon kitang hinintay? Ang araw na ito na magkakaharap tayo, walang mga guwardiya, walang pamilya mong sagabal.”“Anong gusto mo sa amin?” mariing tanong ni Kaiden.“Simple lang,” sagot ni Jonas. “Gusto kong maramdaman mo ang sakit ng pagkawala gaya ng naramdaman ko noon. Ikaw ang dahilan kung bakit kinuha ng ama mo ang lahat sa amin. Kaya oras na para mawala rin ang lahat sa iyo.”Kaiden tumigil, huminga ng malalim, ramdam ang matinding galit at pangamba. Hindi niya maipaliwanag sa sarili ang adrenaline rush, isang halo ng tak
最終更新日 : 2025-09-29 続きを読む