Mabilis na napabalikwas si Mahalia mula sa pagkakahiga ng makaramdam ng mainit na hininga sa kaniyang leeg. Iyon ay kaniyang hinawakan at mabilis na napalinga-linga sa paligid, ngunit wala siyang ibang nakita kundi purong kadiliman lamang.Taas baba ang kaniyang balikat, siya ay kinilabutan ng tumama sa kaniyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Dagli siyang tumayo at isinarado ang munting kahoy na bintana ng kaniyang kuwarto, at kalauna'y lumabas upang uminom ng tubig.Mukhang hindi na naman siya makakatulog."Oh Mahalia, ang aga mo naman yatang nagising?" Gulat na tanong sa kaniya ng kaniyang tiyahin na si Bebang. "Mano po Tyang," Saad niya at dito ay nagmano."Kaawaan ka ng Diyos," Rinig niyang usal nito. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,"Mabilis naman siyang umiling at ginawaran ito ng masuyong ngiti. Kahit kailan talaga ang tiyang niya, masyadong maaalalahanin. E, siya nga itong galing pa ng trabaho at hindi pa nakakapagpahinga."Hindi na po kailangan Tyang. Ako na p
Terakhir Diperbarui : 2025-09-15 Baca selengkapnya