Share

The Enkanto Who Stole My Bra
The Enkanto Who Stole My Bra
Author: jollybee

Simula

Author: jollybee
last update Huling Na-update: 2025-09-15 08:10:01

Mabilis na napabalikwas si Mahalia mula sa pagkakahiga ng makaramdam ng mainit na hininga sa kaniyang leeg. Iyon ay kaniyang hinawakan at mabilis na napalinga-linga sa paligid, ngunit wala siyang ibang nakita kundi purong kadiliman lamang.

Taas baba ang kaniyang balikat, siya ay kinilabutan ng tumama sa kaniyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Dagli siyang tumayo at isinarado ang munting kahoy na bintana ng kaniyang kuwarto, at kalauna'y lumabas upang uminom ng tubig.

Mukhang hindi na naman siya makakatulog.

"Oh Mahalia, ang aga mo naman yatang nagising?" Gulat na tanong sa kaniya ng kaniyang tiyahin na si Bebang. 

"Mano po Tyang," Saad niya at dito ay nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos," Rinig niyang usal nito. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,"

Mabilis naman siyang umiling at ginawaran ito ng masuyong ngiti. Kahit kailan talaga ang tiyang niya, masyadong maaalalahanin. E, siya nga itong galing pa ng trabaho at hindi pa nakakapagpahinga.

"Hindi na po kailangan Tyang. Ako na po," Tugon niya. "Ikaw na lang po ang ipagtitimpla ko dahil tiyak na pagod at nagugutom ka." 

"Napakabait mo talagang bata," May malawak na ngiti sa labi nitong wika. "Hayaan mo Mahalia. Kapag naibenta ko lahat ng isda sa palengke bukas mamamasyal tayo," 

Nagningning naman ang kaniyang mga mata nang dahil sa sinabi nito.

"Talaga po Tyang?" Puno ng galak niyang usal at ito'y niyakap ng napakahigpit. "Maraming salamat po. Hayaan niyo Tyang kapag ako naman itong nakapagtrabaho lahat ng gusto mo ay ibibigay ko," Puno ng kumpyansa niyang tugon.

Natatawang h******n siya ng kaniyang tiya sa pisngi at sinabing, "Oh siya, Ipagtimpla mo na ako ng kape." Na siyang agad niya naman sinunod.

Maagang namaalam sa mundo ang kaniyang ama at ina, kaya naman ang tiya niyang si Bebang—kapatid ng kaniyang ina ang kumopkop at umaruga sa kaniya. Pinag-aaral siya nito, sa ngayon ay nasa huling baitang na siya sa kolehiyo.

Dalawang araw pa lang ang nakakaraan magbuhat ng ipinagdiriwang niya ang ika-dalawampu’t dalawang taon ng kaniyang buhay, at mula roon ay nagsimula na ang mga kakatwang pangyayari sa kaniya gabi-gabi. Hindi tuloy siya makatulog ng maayos nang dahil doon, ayaw niya namang sabihin sa tiyang niya sa kadahilanang ayaw niya ng dagdagan pa ang problemang pinapasan nito.

Nang tuloyan niya ng natapos ang tinitimplang kape ay inihanda niya na rin ang dala-dalang almusal na champorado ng kaniyang tiyahin, ang kaniyang paborito.

"Tyang almusal na po tayo," Nakangiting saad niya habang inihahanda sa mesa ang almusal.

"Mabuti pa nga't nagugutom na ako," Tugon nito at bahagya pang naghimas ng tiyan.

Pasado alas tres y media na ng madaling araw, at ang kaniyang tiya ay kakauwi lamang galing sa trabaho nito—isa itong kumadrona, meaning mayroon itong pinaanak sa baryo. 

"Kamusta naman po ang trabaho Tyang?" Tanong niya habang hinahalo ang kapeng nasa tasa.

"Maayos lang naman," Tugon nito at sumimsim ng kape. "Mahirap pero masaya, sa kadahilanang kambal ang supling nila Tano." Nanlaki ang bilugan niyang mga mata sa pagkamangha.

"Talaga po Tyang? Kambal? Nakakatuwa naman," 

"Oo Mahalia, kambal..." 

Halos lumutang siya sa hangin nang dahil sa naging tugon ng tiyahin. Mahilig sa bata si Mahalia, kaya nga kursong may kinalaman sa mga bata ang kinuha niya pero hindi niya sigurado kung mapaninindigan niya iyon. 

"Maaari ko ba silang dalawin Tyang?" Tanong niya, naninimbang at puno ng pag-iingat.

"Oo naman," Wika nito na siyang nagpagalak sa kaniya ng husto. "Ang nais nga ni Tano ay ikaw ang magpangalan sa mga bata," Dugtong pa nito.

"Talaga po Tyang?!" Hindi mapigilan niyang sigaw.

Napatawa naman ang kaniyang tiyahin nang dahil sa kaniyang naging reaksyon. Ito ay tumango at bahagya pang kinurot ang kaniyang pisngi, tila nanggigil.

"Oo Mahalia. Kaya mag-isip ka na ng pangalan ngayon kasi mamaya isasama kita kela Tano. Iidlip muna ng kunti intong tiyahin mo baka mamaya'y sunodin na ni Kamatayan," Wika nito at bahagya pang tumawa.

Siya ay napangisi ng may maisip na kalokohan, bahagya pa siyang tumikhim at itinuro ang tiyahin gamit ang kutsara. 

"Naku Tyang, matagal ka pang susundoin ni Kamatayan. Ika nga sa kasabihan 'di ba, matagal mamatay ang masamang damo. Kaya tiwala lang Tyang," Pabirong kinindatan niya pa ito.

Halos buong katawan niya ay umalog sa kakahagikhik, nang dahil sa naging reaksyon ng kaniyang tiyahin. Nakaawang ang labi nito at ang mga mata nito'y kapwang nanlalaki, talaga namang nabigla ito sa kaniyang sinabi.

"Ikaw na bata ka!" Sikmat nito at umambang siya ay papaluin. "Saan mo natutunan ang bagay na 'yan? Kay Jason ba?" Sunod-sunod nitong tanong. 

Mabilis naman siyang umiling bilang tugon. "Wala pong kinalaman dito si Jason, Tyang. Kasabihan naman po talaga 'yon hindi ba?" Umakto pa siyang walang alam para mas kapani-kapaniwala.

Tama naman ang Tiyang Bebang niya, si Jason nga ang naturo sa kaniya ng bagay na 'yon. Sino nga ba si Jason sa buhay niya? Si Jason ay ang kaniyang kababata rito sa basyo Sta. Cruz, magkasama silang lumaki at halos lahat ng kaganapan sa buhay niya ay alam nito—gano'n din naman siya rito.

Teka sandali, dalawang araw niya ng hindi nakikita ang kaniyang nakababata. Nasaan na kaya ang isang 'yon?

Mas matanda sa kaniya si Jason ng anim o pitong taon. Lumaki si Jason sa Maynila, at ito rin ang nagturo sa kaniya na magbasa, magsulat, at magsalita ng ingles. 

"Napansin niyo po ba Tyang si Jason?" Kunot noong tanong niya, at kumain ng champorado.

"Si Jason ba kamo?" Pag-ulit nito kaya naman siya ay tumango. "Aba'y hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga makita ang anino ng isang 'yon sa palengke," 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 5: Banta

    "Hindi ako makakasama 'Nay. Kailangan ako ng mag-ina ko da bahay," Panimula ng kaniyang pinsan at tumayo. "Pasensya na 'Nay. Hayaan mo sa susunod babawi ako sa inyo ni Mahalia," Paghingi nito ng paumanhin at habang nakangiti ng alanganin.Nanlumo naman siya nang dahil sa sinabi ng pinsan, pero nauunawaan niya iyon at wala silang magagawa dahil may pamilya na ito. "Ano ka ba anak walang problema..." Tugon naman ng kaniyang tiyahin."Sus!" Matulis ang ngusong ingos naman ni Jason at tumayo. "Huwag kang mag-alala Tyang Bebang. Ako ang sasama sa inyo ni Mahalia,"Nagsalubong naman ang makakapal na kilay ng pinsan niyang si Brandon nang dahil sa sinabi nito. Hinarap nito si Jason habang nakatiim bagang, na siyang hindi niya maintindihan."Magtapat ka nga sa 'kin Jason," Seryosong saad ni Brandon."Ano?" Kunot noong tugon naman ni Jason. "Pinupormahan mo ba ang pinsan kong si Mahalia?" "Huh?!" Bulalas niya sa gulat.Nanlalaking mga matang tiningnan niya ang pinsang si Brandon, gayon din

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 4: Panaginip

    "S-sandali—Ahh..." Iyan ang tanging salitang namutawi sa kaniyang labi ng may maramdamang mainit at basang bagay sa dungot ng kaniyang dibdib.Pabaling-baling ang kaniyang ulo, hindi siya mapakali sa kadahilanang ang nararamdamang init at kiliti ng kaniyang katawan ay labis-labis."Ohhh..." Muli niyang halinghing, ng ango mainit na bagay ay bumaba patungo sa kaniyang puson.Gustohin niya mang dumilat ay hindi niya magawa, may kung anong bagay na nakalapat sa kaniyang mga mata at ang bagay na iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan siya."S-sino ka—ughh ohhh..." Muli niyang halinghing ng may maramdamang mainit na bagay na humahaplos sa labi ng kaniyang pagkababae.Ramdam niya ang bahagya niyong pamamasa, tanda na ang kamalayan niya ay nabuhay. Ang mainit na bagay na iyon ay marahang sinalat ang kaniyang pagkababae, na siyang umani ng halinghing mula sa kaniyang mga labi. Ang likod niya ay napaarko, nang mayroong kumurot at bahagyang humila sa naninigas niyang dungot. Umawang ang kani

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 3: Asaran

    Samantalang ang pinsan niya naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya at bagsak balikat pa. "Akala mo ah?" Pang-aasar ni Jason dito. "Baka nakakalimutan mong bff kami nito," Napangiwi siya ng siya ay inakbayan nito. Ang bigat ng braso!"Lumayas ka na nga rito Jason! Nahahawa sa kagagohan mo ang pinsan ko," Pagtatakwil ni Brandon dito."Bleh, ayaw ko nga..." Saad ni Jason at dumila. "Ikaw ang umalis. Bumalik ka na sa dagat—bisugo!" Pang-aasar nitong muli.Lihim siyang napangiti nang dahil sa pagbabangayan ng dalawa, para silang mga aso at pusa pero kahit gano'n ay matalik pa rin silang magkaibigan. Naiiling na naglakad siya papalayo sa kadahilanang aabotin na naman ng siyam-siyam ang dalawa, paniguradong mamaya pa sila matatapos sa pagtatalo—wala namang saysay ang sinasabi nila.Nagsimula ng magwalis sa munting sala si Mahalia, komportable na siyang gumalaw-galaw kahit walang gaanong ilaw at bukas ang pintuan sa kadahilanang may dalawang mapagkakatiwalaang lalaki na siyang k

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 2: Masayang Umaga

    Napakamot na lamang ng ulo si Mahalia nang dahil sa natamong pasa at sugat ni Jason mula kay Tatang Mayo, hinampas ito ni Tatang ng sagwan sa braso."Iyan kasi ang aga-agang mangtrip," Saad niya at pinatunog pa ang dila. "Sa lahat ba naman ng puwede mong pagtripan at sabihin, iyong buhok pa talaga ni Tatang Mayo ang pinansin—""Teka Mahalia," Pagputol nito sa kaniyang sasabihin. "Anong buhok ang pinagsasabi mo? Kalbo si Tatang Mayo ah? Ang kinis pa nga ng ulo," Walang prenong saad nito, dahilan para masapo ni Mahalia ang kaniyang noo.Saan kaya ipinaglihi ang isang 'to? Masyadong matabil at matalas ang dila, minsan nga'y gusto niyang lagyan ng duck tape ang bibig nito para sa gayon ay manahimik. Daig pa ni Jason ang inahing manok kung pumutak, walang tigil—talaga namang magdamag.Marahan niyang dinutdot ng asa nito dahilan para ito ay mapangiwi."Ang sakit Mahalia!" Atungal nito at bahagya pang tinapik ang kaniyang kamay.Si Jason ay kaniyang inismiran at sinabing, "Ang aga-aga mo kas

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 1: Jason

    Napuno naman ng pag-aalala ang kaniyang dibdib nang dahil sa sinabi ng kaniyang tiyahin. Nasaan kaya ang isang 'yon? Madalas kasi si Jason sa bahay nila, kaya nakapagtataka na dalawang araw itong hindi nagpapakita. Hindi kaya umuwi ito ng Maynila? O baka naman pinagbantay ito ng baboyan? Nasan na kaya ang madaldal na kababata niyang 'yon? Napakamot na lamang siya ng ulo at muling nagpatuloy sa pagkain. Pagkaraan ng ilang sandali ay natapos na rin sila ng kaniyang tiyahin, nauna nanitong pumanhik samantalang siya naman ay ang nagsimula ng magligpit ng kanilang kinainan."Magndang umaga Pilipinas," Nakangiting saad niya kasabay ng malakas na pagtilaok ng manok, tanda na umaga na—madaling araw pala.Maliit lamang ang bahay ng Tiya Bebang niya, pero kahit gano'n kompleto naman ang mga gamit. Mayroong dalawang kwarto, kusina, banyo, at mayroon pang may kalawakang sala. Sa pagkakatanda niya'y rent to own ang tawag dito, kung tama siya. Habang naghuhugas ng pinggan ay marahang umiindayog a

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Simula

    Mabilis na napabalikwas si Mahalia mula sa pagkakahiga ng makaramdam ng mainit na hininga sa kaniyang leeg. Iyon ay kaniyang hinawakan at mabilis na napalinga-linga sa paligid, ngunit wala siyang ibang nakita kundi purong kadiliman lamang.Taas baba ang kaniyang balikat, siya ay kinilabutan ng tumama sa kaniyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Dagli siyang tumayo at isinarado ang munting kahoy na bintana ng kaniyang kuwarto, at kalauna'y lumabas upang uminom ng tubig.Mukhang hindi na naman siya makakatulog."Oh Mahalia, ang aga mo naman yatang nagising?" Gulat na tanong sa kaniya ng kaniyang tiyahin na si Bebang. "Mano po Tyang," Saad niya at dito ay nagmano."Kaawaan ka ng Diyos," Rinig niyang usal nito. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,"Mabilis naman siyang umiling at ginawaran ito ng masuyong ngiti. Kahit kailan talaga ang tiyang niya, masyadong maaalalahanin. E, siya nga itong galing pa ng trabaho at hindi pa nakakapagpahinga."Hindi na po kailangan Tyang. Ako na p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status