Share

Chapter 1: Jason

Author: jollybee
last update Last Updated: 2025-09-15 08:11:35

Napuno naman ng pag-aalala ang kaniyang dibdib nang dahil sa sinabi ng kaniyang tiyahin. Nasaan kaya ang isang 'yon? Madalas kasi si Jason sa bahay nila, kaya nakapagtataka na dalawang araw itong hindi nagpapakita. Hindi kaya umuwi ito ng Maynila? O baka naman pinagbantay ito ng baboyan? Nasan na kaya ang madaldal na kababata niyang 'yon? 

Napakamot na lamang siya ng ulo at muling nagpatuloy sa pagkain. Pagkaraan ng ilang sandali ay natapos na rin sila ng kaniyang tiyahin, nauna nanitong pumanhik samantalang siya naman ay ang nagsimula ng magligpit ng kanilang kinainan.

"Magndang umaga Pilipinas," Nakangiting saad niya kasabay ng malakas na pagtilaok ng manok, tanda na umaga na—madaling araw pala.

Maliit lamang ang bahay ng Tiya Bebang niya, pero kahit gano'n kompleto naman ang mga gamit. Mayroong dalawang kwarto, kusina, banyo, at mayroon pang may kalawakang sala. Sa pagkakatanda niya'y rent to own ang tawag dito, kung tama siya. 

Habang naghuhugas ng pinggan ay marahang umiindayog ang kaniyang katawan, na sinabayan niya pa ng mahinang pagkanta.

Sandali siyang napahinto, at napatingin sa may pintuan ng kusina ng may maramdamang nakatitig. 

"Tyang? Ikaw ba 'yan?" Tanong niya ng may mapansing anino roon.

Tanging ang ilaw na nagmunula sa gasera lang kasi ang nagbibigay liwanag sa paligid, sa kadahilanang dalawang araw ng brown-out sa kanilang baryo.

Nang wala siyang nakuhang sagot sa naturang pigura—anino ay siya'y agarang pumikit at marahang kinusot ang mata, baka kasi namamalikmata lang siya. Sa muling pagtingin niya sa pintuan ay wala  na siyang nakita, mukhang may problema pa yata ang mga mata niya.

Nitong nakalipas na dalawang araw kasi kung ano-ano na ang nakikita niya, bukod sa nakikita ay mayroon din siyang nararamdamang humahaplos na mainit na bagay sa katawan niya. 

"Tao po! Tao po!" Siya ay napaigtad sa gulat, nang dahil sa malakas na sigaw mula sa labas ng kanilang bahay.

Puno ng pag-iingat niyang binitawan ang hawak na tasa at nagpunas ng kamay. Lakad takbo niyang tinungo ang unang pinto ng kanilang bahay at iyon ay binuksan, umawang ang kaniyang labi at awtomatiko siyang napangiti ng makita si Jason doon.

"Ang aga-aga ang ingay mo na naman," Salubong niya rito habang nakangiti.

Ngumisi naman ang kaniyang kababata nang dahil sa kaniyang sinabi. "Ang sabihin mo namiss mo lang ang kaingayan ko," Mayabang nitong saad at siya'y kinindatan.

Napailing na lamang siya sa taglay nitong kaharutan. Kung pagbabasehan ang ugali nilang dalawa, si Jason ang mapagkakamalang bata sa kadahilanang napakadaldal at kulit nito.

"Mukhang napasukan na naman yata ng hangin ang ulo mo," Pakuntyada niya dahilan para mapabusangot ito.

"Grabe ka na Mahalia..." Nakanguso nitong sabi, na akala mo'y aping-api. "Hindi mo man lang ba ako namiss kahit kunti?"

"Saan ka pala nanggaling? Ngayon lang ulit kita nakita," Pag-iiba niya ng usapan dahilan para bumagsak ang balikat nito, disappointed.

"Aba talaga—" Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at inabutan siya ng supot. "Oh, para sa 'yo." 

Mabilis niya naman iyong tinanggap at sinilip, siya ay napangiti ng matamis ng makitang iba't ibang klase ng prutas ang laman niyon.

Nag-angat siya ng tingin at matamis na nginitian ang kababata. "Maraming salamat!" 

"Walang anuman," Tugon nito. "Bigyan mo si Tyang Bebang niyan ah? Baka mamaya ubosin mo, matakaw ka pa naman." Umawang ang kaniyang labi nang dahil sa sinabi nito.

Siya? Matakaw? Minsan, hindi niya 'yon ipagkakaila. 

"Sa ating dalawa ikaw 'tong malakas kumain," Tugon niya ay itinuro pa ito. "Saan ka ba nanggaling?" Tanong niya muli.

"Ay ako ba? Sorry naman," Sarkastikong wika nito. "Tumulong ako sa farm ng Tiyo Otep ko, maraming ibinigay kaya ang iba inihatid ko rito. Alam ko namang mahilig ka sa prutas," May kung anong mainit na bagay naman ang humaplos sa kaniyang puso nang dahil sa huling sinabi nito.

Kaya mahal niya ang kababata niyang 'to, hindi siya nakakalimutan at gano'n din siya rito. 

"Maraming salamat Jason ah?" Malamyos niyang saad at ang isa nitong kamay ay hinawakan. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to pero salamat ta—"

"Ang aga-aga mo na namang mangapitbahay Jason ah?" Wika ni Tata Mayo, mangingisda at kanilang kapitbahay.

"Kaya pala biglang uminit, naglakakad ang araw!" Saad naman ni Jason na halos ikapugto ng kaniyang hininga 

Si Tatang Mayo ay kalbo na, matanda na ito at ang ulo nito'y makinis talaga. Madalas itong kaasaran ni Jason pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay.

"Kung ako sa 'yo Mahalia hindi ko 'yan pagbubuksan," Saad ni Tatang Mayo habang nag-aayos ng lambat.

"Tatang—"

"Alam mo 'Tang Mayo, may tanong ako..." Naputol ang kaniyang sasabihin sa kadahilanang sumingit si Jason.

Tanong? Bago 'yon ah? Ang inaasahan niya ay papaulanan nito ng pang-aasar si Tatang Mayo, mukha namang nagkamali siya.

"Anong tanong mo? Kung tungkol na naman 'yan sa buhok ko talagang ibabato ko sa 'yo 'tong pamana ko," Pananakot pa ni Tatang Mayo.

"Hindi na 'to tungkol sa buhok mo Tatang promise," Saad ni Jason at nagtaas pa ng kanang kamay na ani mo ay nanunumpa. 

Naningkit ang malalaki niyang mga mata ng makita ang kakaibang ngisi nito sa labi. Nakakaramdam siya ng gindi maganda...

"Ang tawag ba sa kuto ng kalbo ay homeless Tatang Mayo?" Seryosong tanong ni Jason.

Kapwa silang natigilan at nagkatinginan ni Tatang Mayo, unti-unti niyang isinara ang pinto ng bahay nang kaniyang makitang bumobuwelo si Tatang.

"Goodluck Jason," Huli niyang saad na sinundan ng malakas na pahtili.

Ang tiling iyon ay nagmumula kay Jason, mukhang nagsisimula na namang maghabulan ang dalawa. At dahil nakita niya na ang kababata, isinalin niya sa lagayan ang nakaplastik na prutas at tumikim ng isang ubas.

"Sarap..." Kumento niya sa nakaing ubas.

Malutong iyon, matamis, at matubig talaga namang napakasarap. Mamaya niya na lang ulit kakausapun si Jason, abala pa kasi 'to pakikipaghabulan kay Tatang Mayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 5: Banta

    "Hindi ako makakasama 'Nay. Kailangan ako ng mag-ina ko da bahay," Panimula ng kaniyang pinsan at tumayo. "Pasensya na 'Nay. Hayaan mo sa susunod babawi ako sa inyo ni Mahalia," Paghingi nito ng paumanhin at habang nakangiti ng alanganin.Nanlumo naman siya nang dahil sa sinabi ng pinsan, pero nauunawaan niya iyon at wala silang magagawa dahil may pamilya na ito. "Ano ka ba anak walang problema..." Tugon naman ng kaniyang tiyahin."Sus!" Matulis ang ngusong ingos naman ni Jason at tumayo. "Huwag kang mag-alala Tyang Bebang. Ako ang sasama sa inyo ni Mahalia,"Nagsalubong naman ang makakapal na kilay ng pinsan niyang si Brandon nang dahil sa sinabi nito. Hinarap nito si Jason habang nakatiim bagang, na siyang hindi niya maintindihan."Magtapat ka nga sa 'kin Jason," Seryosong saad ni Brandon."Ano?" Kunot noong tugon naman ni Jason. "Pinupormahan mo ba ang pinsan kong si Mahalia?" "Huh?!" Bulalas niya sa gulat.Nanlalaking mga matang tiningnan niya ang pinsang si Brandon, gayon din

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 4: Panaginip

    "S-sandali—Ahh..." Iyan ang tanging salitang namutawi sa kaniyang labi ng may maramdamang mainit at basang bagay sa dungot ng kaniyang dibdib.Pabaling-baling ang kaniyang ulo, hindi siya mapakali sa kadahilanang ang nararamdamang init at kiliti ng kaniyang katawan ay labis-labis."Ohhh..." Muli niyang halinghing, ng ango mainit na bagay ay bumaba patungo sa kaniyang puson.Gustohin niya mang dumilat ay hindi niya magawa, may kung anong bagay na nakalapat sa kaniyang mga mata at ang bagay na iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan siya."S-sino ka—ughh ohhh..." Muli niyang halinghing ng may maramdamang mainit na bagay na humahaplos sa labi ng kaniyang pagkababae.Ramdam niya ang bahagya niyong pamamasa, tanda na ang kamalayan niya ay nabuhay. Ang mainit na bagay na iyon ay marahang sinalat ang kaniyang pagkababae, na siyang umani ng halinghing mula sa kaniyang mga labi. Ang likod niya ay napaarko, nang mayroong kumurot at bahagyang humila sa naninigas niyang dungot. Umawang ang kani

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 3: Asaran

    Samantalang ang pinsan niya naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya at bagsak balikat pa. "Akala mo ah?" Pang-aasar ni Jason dito. "Baka nakakalimutan mong bff kami nito," Napangiwi siya ng siya ay inakbayan nito. Ang bigat ng braso!"Lumayas ka na nga rito Jason! Nahahawa sa kagagohan mo ang pinsan ko," Pagtatakwil ni Brandon dito."Bleh, ayaw ko nga..." Saad ni Jason at dumila. "Ikaw ang umalis. Bumalik ka na sa dagat—bisugo!" Pang-aasar nitong muli.Lihim siyang napangiti nang dahil sa pagbabangayan ng dalawa, para silang mga aso at pusa pero kahit gano'n ay matalik pa rin silang magkaibigan. Naiiling na naglakad siya papalayo sa kadahilanang aabotin na naman ng siyam-siyam ang dalawa, paniguradong mamaya pa sila matatapos sa pagtatalo—wala namang saysay ang sinasabi nila.Nagsimula ng magwalis sa munting sala si Mahalia, komportable na siyang gumalaw-galaw kahit walang gaanong ilaw at bukas ang pintuan sa kadahilanang may dalawang mapagkakatiwalaang lalaki na siyang k

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 2: Masayang Umaga

    Napakamot na lamang ng ulo si Mahalia nang dahil sa natamong pasa at sugat ni Jason mula kay Tatang Mayo, hinampas ito ni Tatang ng sagwan sa braso."Iyan kasi ang aga-agang mangtrip," Saad niya at pinatunog pa ang dila. "Sa lahat ba naman ng puwede mong pagtripan at sabihin, iyong buhok pa talaga ni Tatang Mayo ang pinansin—""Teka Mahalia," Pagputol nito sa kaniyang sasabihin. "Anong buhok ang pinagsasabi mo? Kalbo si Tatang Mayo ah? Ang kinis pa nga ng ulo," Walang prenong saad nito, dahilan para masapo ni Mahalia ang kaniyang noo.Saan kaya ipinaglihi ang isang 'to? Masyadong matabil at matalas ang dila, minsan nga'y gusto niyang lagyan ng duck tape ang bibig nito para sa gayon ay manahimik. Daig pa ni Jason ang inahing manok kung pumutak, walang tigil—talaga namang magdamag.Marahan niyang dinutdot ng asa nito dahilan para ito ay mapangiwi."Ang sakit Mahalia!" Atungal nito at bahagya pang tinapik ang kaniyang kamay.Si Jason ay kaniyang inismiran at sinabing, "Ang aga-aga mo kas

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Chapter 1: Jason

    Napuno naman ng pag-aalala ang kaniyang dibdib nang dahil sa sinabi ng kaniyang tiyahin. Nasaan kaya ang isang 'yon? Madalas kasi si Jason sa bahay nila, kaya nakapagtataka na dalawang araw itong hindi nagpapakita. Hindi kaya umuwi ito ng Maynila? O baka naman pinagbantay ito ng baboyan? Nasan na kaya ang madaldal na kababata niyang 'yon? Napakamot na lamang siya ng ulo at muling nagpatuloy sa pagkain. Pagkaraan ng ilang sandali ay natapos na rin sila ng kaniyang tiyahin, nauna nanitong pumanhik samantalang siya naman ay ang nagsimula ng magligpit ng kanilang kinainan."Magndang umaga Pilipinas," Nakangiting saad niya kasabay ng malakas na pagtilaok ng manok, tanda na umaga na—madaling araw pala.Maliit lamang ang bahay ng Tiya Bebang niya, pero kahit gano'n kompleto naman ang mga gamit. Mayroong dalawang kwarto, kusina, banyo, at mayroon pang may kalawakang sala. Sa pagkakatanda niya'y rent to own ang tawag dito, kung tama siya. Habang naghuhugas ng pinggan ay marahang umiindayog a

  • The Enkanto Who Stole My Bra   Simula

    Mabilis na napabalikwas si Mahalia mula sa pagkakahiga ng makaramdam ng mainit na hininga sa kaniyang leeg. Iyon ay kaniyang hinawakan at mabilis na napalinga-linga sa paligid, ngunit wala siyang ibang nakita kundi purong kadiliman lamang.Taas baba ang kaniyang balikat, siya ay kinilabutan ng tumama sa kaniyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Dagli siyang tumayo at isinarado ang munting kahoy na bintana ng kaniyang kuwarto, at kalauna'y lumabas upang uminom ng tubig.Mukhang hindi na naman siya makakatulog."Oh Mahalia, ang aga mo naman yatang nagising?" Gulat na tanong sa kaniya ng kaniyang tiyahin na si Bebang. "Mano po Tyang," Saad niya at dito ay nagmano."Kaawaan ka ng Diyos," Rinig niyang usal nito. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,"Mabilis naman siyang umiling at ginawaran ito ng masuyong ngiti. Kahit kailan talaga ang tiyang niya, masyadong maaalalahanin. E, siya nga itong galing pa ng trabaho at hindi pa nakakapagpahinga."Hindi na po kailangan Tyang. Ako na p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status