ANG maaliwalas na sikat ng hapon ay nagpapakita ng ginintuang kulay sa kahabaan ng Bonifacio Global City. Sa itinuturing na grand ballroom ng isang kilalang limang-bituing hotel sa BGC, ang pormal na wedding reception ng pamilya Valtieri ay opisyal nang nagsimula.Ang buong reception hall ay isangObra Maestra ng karangyaan at dignidad. Ang matatayog na kisame ay pinalalamutian ng libu-libong kumikislap na crystal chandeliers, habang ang mga mesa ay napapalibutan ng mga imported white orchids, hydrangeas, at maaliwalas na glass candlelight setup. Sa kabila ng pagdalo ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, malalaking bilyonaryo sa Asya at Europe, at mga kilalang tao sa lipunan, ang buong kapaligiran ay pinalilibutan pa rin ng kakaibang intimacy at warmth.Sa tapat ng grand stage, nakaupo sina Caelum at Solenne sa isang magandang custom velvet loveseat.Nakasabit pa rin sa likod ng upuan ang mahabang veil ng gown ni Solenne, habang ang kanyang ivory silk dress ay nananatiling walang k
Read more