PAGKATAPOS ng masayang almusal, inakay ng private nurse si Nanay Emilia pabalik sa guest room sa ibaba upang makapagpahinga at maiinom ang kanyang mga gamot. Naiwan sina Solenne, Caelum, at Julian sa sala habang umiinom ng tsaa at kape.Nakatitig pa rin si Julian sa paligid ng mansyon, halatang nakatitig sa matataas na kisame at sa mga mamahaling painting sa dingding.“Kuya Caelum,” panimula ni Julian habang inilalapag ang kanyang tasa. “Napakalaki pala talaga ng bahay niyo. Parang kapag nag-hide and seek dito, isang linggo bago ka mahanap.”Natawa nang mahina si Caelum habang inilalapag ang sariling tasa sa coffee table. “It used to feel empty, Julian. But now, with all of you here, it feels a bit different.”Tumingin si Caelum kay Solenne at dahan-dahang tumayo. Inilahad niya ang kanyang kamay sa dalaga. “Come with me. I have something to show you.”Napakunot ang noo ni Solenne, ngunit mabilis ding inabot ang kamay ng asawa. “Saan tayo pupunta?”“Julian, come with us,” aya ni Caelum
Read more