ISANG napakaaliwalas na Martes ng hapon. Ang init ng araw ay banayad na sumisilip sa pagitan ng matatayog na puno ng acacia sa paligid ng mansyon, nag-iiwan ng mga ginintuang bakas ng liwanag sa malawak na garden veranda.Nasa ika-tatlumpu’t anim na linggo na ng pagbubuntis si Solenne. Dahil sa laki ng kanyang tiyan at sa payo ni Dr. Leone na bawasan na ang biyahe sa malalayo, halos nasa bahay na lang siya nagpapahinga. Pero ngayong hapon, ang karaniwang tahimik na veranda ay napuno ng kakaibang buhay at kulay.Sa ibabaw ng malaking glass table sa outdoor patio, nakalatag ang sampung magkakaibang catalog ng mga wedding gowns, mga sample ng imported linen, swatch cards ng pastel and earth-tone colors, at iba't ibang urns na naglalaman ng mga sariwang bulaklak, mula sa white Ecuadorian roses, baby’s breath, hanggang sa mga soft blush peonies.Humingi si Caelum ng pampribadong konsultasyon mula sa pinakasikat na wedding planner at floral designer sa Bonifacio Global City para bisitahin m
اقرأ المزيد