PAGSAPIT ng kinaumagahan, tuluyan nang humupa ang maunos na bagyo sa Tagaytay. Ang kalangitan ay nagpalit ng maaliwalas na kulay asul, at ang mainit na sinag ng araw ay banayad na pumapasok sa mga bintana ng villa, nagpapatuyo sa basang mga dahon ng pine trees sa bakuran.Alas-otso ng umaga nang maghanda ang buong pamilya para sa biyahe patungong probinsya.Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang araw na matinding lamig at distansya, nakaupo na uli si Caelum sa tabi ni Solenne sa loob ng luxury van. Nakasuot ang bilyonaryo ng isang simpleng black long-sleeved polo shirt at dark trousers. Mas maaliwalas na ang kanyang mukha kumpara kagabi, bagama't may bahagya pa ring pangingitim sa ilalim ng kanyang mga hazel eyes.Sa kanyang mga braso ay maingat nitong karga si Baby Leo, habang si Solenne naman ay nakasandal sa kanyang balikat, nakahawak ang mga daliri sa kamay ng asawa.“Sigurado ka ba rito, Solenne, anak?” mahinang tanong ni Nanay Emilia mula sa katapat na captain's seat hab
اقرأ المزيد