CRISTIANNA’S POV“Mag-ingat kayo roon, Rocky, Cristianna,” paulit-ulit na paalala sa amin ni mama habang papalabas kami ng bahay.“Opo naman, mama. Huwag kayong mag-aalala dahil kasama ko naman si Rocky. Protektado ako, ma.” Marahan kong pinisil ang kamay ni mama na mahigpit na nakahawak sa akin.Kahit papaano ay gets ko naman ang pag-aalala ni mama dahil ito ang unang beses na lilipad ako papuntang ibang bansa. Well, worried naman talaga every time, in general. Hindi na yata iyan maaalis sa nature ni mama.Bumaling si mama kay Rocky. “Ikaw na ang bahala kay Cristianna, maliwanag? Iuwi mo nang buo ang anak ko.”Rocky happily nodded. “I promise, Tita. Uuwing walang galos si Cristianna dito.”“Pasalubong po, ah!” hirit naman ni Chris.Binigyan siya ni mama ng “tingin” pero natawa lang naman kami ni Rocky.“Don’t worry, Chris, you will have all the pasalubong you want,” Rocky assured and looked at the twins who were patiently waiting to be noticed. “As for the two of you, I'll have your
Read more