CRISTIANNA’S POVBumalot sa akin ang lamig ng aircon pagkapasok sa airport. Maraming tao at sari-sari na tunog ng gulong ng maleta ang naririnig ko. May ibang mga nag-iiyakan na sa tingin ko ay pupunta ng ibang bansa para magtrabaho at mayroon din naman iyong mga nasasabik gaya ko.“Just stay close to me, langga, okay?” paalala ni Rocky habang nasa magkabilang kamay niya ang maleta namin. Ako naman ay nakasukbit lang sa braso niya.Naninibago ako. Hindi pa ako nakakapasok ng airport kung saan sari-saring itsura ng tao ang nakikita ko. Luminga-linga ako, pinapamilyar ang mga mata sa maaari naming tambayan ni Rocky bago kami mag-board. Alas dose pa lang kasi at mamayang alas tres pa ang flight namin.Sa kada linga ko, may mga nakakatagpo ako ng mata. Mabilis ko lang naman na iniiwas ang tingin ko sa kanila dahil ayaw ko namang ma-creepyhan sila sa akin na kung saan saan tumitingin.Ngunit sa paglingon sa kanang bahagi ng aircon, may nahagip ang mata ko na pigura ng tao na balot na balot
Read more