CRISTIANNA’S POVHindi ko na alam kung gaano na kalayo ang binyahe namin basta alam ko lang ay alas onse na ng umaga at malapit na kaming mag-land. Ni hindi namin alam ni Rocky kung paano napahaba ang tulog namin. Bukod kasi sa napuyat kami kaka-kwentuhan kagabi ay sobrang lamig din talaga at tahimik kaya hindi kami nagambala.“Langga, gising na…” Inuga-uga ko ang katawan ni Rocky para magising siya.Umungot lang siya pero hindi niya naman dinilat ang kanyang mga mata. Mahina ko siyang tinapik sa pisngi.“Uy, gising na. Magla-land na raw tayo maya maya.”Doon ay dahan-dahang dumilat ang mga mata niya, pupungas pungas na bumangon.“Where are we already?” He groggily asked.“We are still thousands of feet above the land, so I don’t know. Basta mamaya lang ay magla-land na tayo kaya mag-asikaso ka na,” sarkastiko kong sagot.He picked up his phone and looked at the time. Nakisilip din ako. Alas onse na nga talaga.“We slept that much?” I scoffed playfully. “Pinuyat mo ako sa mga kwenton
Leer más