Ang hangin sa labas ng safehouse ay amoy usok at malamig na bakal. Mula sa maliliit na bintana, kita ang maulang lansangan at ang dilim ng gabi. Si Aurora, nakadikit sa pader, ay pinagmamasdan ang anino ni Lucas habang nag-aayos ito ng mga baril at mapa sa mesa. Sa kabilang dulo, nakaupo si Calix na walang imik, tila may binabalak, samantalang si Selene ay nagbabalik sa kanilang mga talaan, tahimik ngunit may mga matang nanlilisik.Lumapit si Lucas kay Aurora.“Pagod ka na,” bulong nito.“Hindi pa ako pwedeng mapagod,” sagot niya, pilit na matatag.“Hindi lang laban ‘to, Aurora. Buhay mo ang kapalit,” mariin ni Lucas, at dahan-dahang hinaplos ang kanyang kamay.Nag-init ang balat ni Aurora sa init ng paghawak ni Lucas. Parang muling bumalik ang mga gabing dati nilang pinagsaluhan bago sumiklab ang lahat. Ngunit sa gilid ng kanyang paningin, naroon si Calix, nakatingin sa kanila. Malamig ang tingin, parang nagbibilang ng bawat galaw nila.“Ang lambot pala ng mga rebelde,” biglang sabad
Huling Na-update : 2025-09-23 Magbasa pa