Ang safehouse ay amoy usok at baril. Sa labas, nagliliparan ang mga plano, ngunit sa loob ng kwarto, tatlo lamang sila – si Aurora, si Lucas at si Calix. Kanina pa nakatingin si Aurora sa mapa ng Red Crest, hindi halos kumikibo. Sa bawat minuto, parang mas lumalapit ang bitag ni Samuel at Selene. Nilapitan ni Lucas ang babae, hawak ang baril, pero mas matalim pa ang kanyang mga mata kaysa sa bakal. “Kung papasok ka, dapat may plano tayo. Hindi puwede na ikaw lang,” sabi niya. Umiling si Aurora. “Gusto ni Samuel ako lang ang pupunta. Kung may kasama ako, papatayin niya ang mga bata.” “Alam mong bitag ’yan.” “Alam ko,” bulong niya. “Pero wala akong choice.” Tumigil ang bata sa paglalaro ng laruan. “Nanay… pupunta ka sa kanya?” Lumapit si Aurora, hinawakan ang pisngi ni Calix. “Oo, anak. Pero hindi kita iiwan. Ililigtas kita at ang mga kapatid mo.” “Pero sabi ni Papa…” napayuko si Calix, naglalaro ang mga daliri. “Sabi niya babalik ka sa kanya.” Napasinghap si Lucas, ang panga k
Huling Na-update : 2025-09-23 Magbasa pa