Tahimik pa rin ang gubat, ngunit ang katahimikang iyon ay mabigat na, halos hindi na makahinga.Puno na ng sugat si Gray.Hindi na mabilang ang hiwa sa braso niya, ang pasa sa tagiliran, ang hapding umaakyat mula sa tuhod hanggang baywang. Ang bawat paghinga ay may kasamang kirot, parang may basag na salamin sa loob ng dibdib niya. Ang dugo ay dumadaloy mula sa balikat niya, tumatagas sa manggas ng damit, humahalo sa putik at damo sa ilalim ng mga paa niya.Ngunit nananatili siyang nakatayo.Hindi dahil malakas pa siya.Kundi dahil ayaw pa niyang bumigay.Sa harapan niya, ilang hakbang lang ang layo, si Alliyah ay nakatayo rin—ngunit hindi na kasing bilis kanina. Ang mga balikat nito ay bahagyang nakalaylay, ang paghinga ay hindi na pantay. Ang mga mata nito, na kanina lang ay nag-aapoy sa galit, ay ngayon may bahid na ng pagod—hindi pisikal lang, kundi emosyonal, parang isang apoy na matagal nang sinusunog ang sarili at ngayo’y nauubusan na ng hangin.Ngunit hindi pa rin siya sumusuk
Last Updated : 2025-12-30 Read more