Hindi agad napansin ni Sven ang pagbabago sa paligid—dahil ang kagubatan ay bihasa sa panlilinlang. Ngunit may mga senyas na hindi kailanman nagkakamali para sa isang taong matagal nang nabubuhay sa anino ng digmaan: ang biglang pagkawala ng mga insekto, ang bigat ng hangin na parang pinipigil ang paghinga, at ang pakiramdam na may sumusukat sa bawat hakbang mo.Hindi siya nagkakamali.“Collin,” mahinang sabi ni Sven, halos hindi gumagalaw ang labi. “Parang may mali.”Sa unahan, bahagyang huminto si Collin. Pawis na pawis ang batok niya, hindi dahil sa init kundi dahil sa tensyon. Matagal na silang naglalakad papunta sa kung nasaan sina Rio at Theo.“Hindi lang isa,” sagot ni Collin. “Tatlo, hindi. Higit pa.”Hindi na sila tumatakbo. Ang pagtakbo ay senyas ng takot. At ang takot ay inaabangan ng mga manghuhuli. Sa halip, naglakad sila nang mas mabagal, mas maingat, parang dalawang aninong pilit inaangkin ang lupa.Isang putok.Hindi tumama.“Sniper,” bulong ni Collin.“Ayaw nilang mar
Last Updated : 2025-12-22 Read more