Tahimik ang silid ng briefing, ngunit hindi iyon katahimikang payapa. Isa iyong katahimikang puno ng iniipong tanong, pagod, at mga desisyong hindi na maaaring ipagpaliban. Ang ilaw sa kisame ay malamlam, sapat lang para makita ang mga mukha nilang lahat—mga mukhang dumaan na sa labanan, pagkawala, at mga katotohanang hindi madaling tanggapin.Nasa paligid ng mesa sina Gray, Rio, Sven, Collin, Theo, Juliet at Briane. Habang ang mga kasamahan ni Gray ay nasa labas, nagbabantay, nagmamatyag.Si Collin ang unang nagsalita, binasag ang katahimikan. Nakaupo siya nang bahagyang pasandal, ang mga daliri ay magkakrus, ang mukha’y seryoso.“Anong gagawin natin sa susunod na magising si Alliyah?” tanong niya nang direkta at walang paligoy.“Oo nga,” segunda naman ni Theo, umiling nang bahagya. “Hindi naman palagi na lang siyang posasan o itali dahil baka mas lalo niyang maisip na kinokontrol natin siya.”Tumango naman si Sven. Tahimik siya, pero kapag nagsalita, may bigat. “Tama,” sabi niya. “I
Terakhir Diperbarui : 2025-12-27 Baca selengkapnya