"Ate, kawawa naman iyang malunggay," puna ni Sunshine kay Evie.Hindi namalayan ni Evie na marahas na pala ang paghihimay niya sa malunggay na ihahalo ni Manang Lorna sa niluluto nitong tinolang manok. Naiilang siyang ngumiti. "P-Pasensya na.""Parang wala ka yata sa sarili mo, ate?" nagtatakang tanong ni Sunshine. "Kanina lang ang sweet-sweet pa ninyo, ngayon para kayong nagkatampuhan.""Anong sweet?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Evie."Asus, kunwari pa..." panunukso pa ni Rosalie."Oo, nga po, ate," dagdad pa ni Maria."Magpalit na nga talaga kayo ng utak," sabi na lang ni Evie at hinarap na lang ang malunggay.Kasama nila si Russell hanggang sa makarating sila rito sa bahay nila Manang Lorna. Sina Bruce naman at ang mga kasamahan nito ay nasa paligid-ligid lang, nagbabantay. Nakatulog naman si Amora dahil napagod sa kakalaro sa mga apo ni Manang Lorna. Habang si Russell naman ay tumulong sa pag-iihaw ng isda sa likod ng bahay kasama ang mga lalakeng anak at manugang ni Manan
Last Updated : 2025-10-03 Read more