Inayos ko muna ang sarili ko bago sagutin ang tawag ni Ate Bethany.Gaya ng inaasahan, agad siyang nagtanong, medyo may diin ang boses, “Rory, saan ka nagpunta? Bakit hindi ka pa nakakauwi ngayong gabi? Madaling araw na, pero wala ka pa rin dito sa bahay. Nasaan ka bang, bata ka? Kapag nalaman ‘to ng kuya mo. Mag-aalala talaga yun sa ‘yo!”Mabilis kong inulit ang naisip kong alibi. At gaya ng inaasahan, buo ang tiwala niya sa akin—hindi niya man lang naisip na nagsisinungaling ako.“Kung gano’n, bumalik ka kaagad. Malapit na mag-alas tres. ‘Wag mo nang hintayon na sumika pa ang araw bago ka umuwi.”“Okay, sige, Ate,” mabilis kong sagot bago ko ibinaba ang tawag.Pagkababa ko ng telepono, kumapit agad si Sadie sa braso ko na para bang ayaw akong pakawalan. “Rory, ayoko talagang umalis ka. Hindi ba pwedeng dito ka na lang matulog?”Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ka-clingy. Pero sa halip na makulitan, lalo akong natuwa. Sa isip ko, mahal niya rin ako—dahil kung hindi, bakit s
Read more