Nagdesisyon sina Marcus at Margaux na mag-abroad muna siya para makalayo sa gulo at panganib. “Better siguro na for now, nasa ibang bansa ka muna,” sabi ni Marcus habang nakatingin sa mga maya ni Margaux.Tinanong ni Margaux si Marcus, medyo nanginginig sa takot at galit, “So… iiwan mo ba si Bianca? Alang-alang sa anak natin?”Napaisip si Marcus, tinitigan ang kanyang mga kamay. “I… I don’t know, Margaux. Mahal ko si Bianca… pero gagawa ako ng paraan para maayos ang lahat. Para sa baby, and para safe ka rin.”Napatingin si Margaux sa kanya, halong lungkot at pangungulila. “Sana lang, Marcus… sana lang hindi tayo magkamali sa desisyon natin.”Habang nasa abroad na si Margaux, inarrange na rin ni Marcus ang lahat para sa kanyang comfort. Nasa hotel na siya na fully secured at pribado, may sariling staff para sa kanya, at binigyan siya ng black card ni Marcus para sa gastusin niya… wala siyang kailangang isipin kundi ang baby.Sa isang gabing tahimik, umupo si Margaux sa sofa, nanonood n
Last Updated : 2025-11-30 Read more