"Young mistress, nilalagnat po si Kianu,""Ano?" nagmamadali akong pinuntahan ito sa kanyang kwarto. Nakahiga at nanginginig sa ilalim ng kumot nito."Yaya, sabihan ang driver at ihanda ang sasakyan." utos ko na sa katulong ng malapitan ko si Kianu. "Hang on, baby. Pupunta tayo ng ospital."Kinarga ko si Kianu. Tamang palabas kami ng kwarto nito ay nakasalubong naman namin si Kiana."Kiana, princess. Be good, okay. Tatawagan ko si mama-lola mo para samahan ka ngayon. Kailangan na ipunta ng ospital ang kapatid mo." maayos na sabi ko dito."Okay po." sagot na may kasamang pagtango.Umalis na ito sa harap namin at binigyan kami ng daan para tuluyang makalabas.Nagmamadali ang bawat hakbang ko na bumaba ng hagdan hanggang sa makasakay na kami ng sasakyan......"Ma," napakapit si Kianu sa kamay ko ng lalagyan na siya ng suwero."It's okay, baby. Mama is here." Tinakpan ko ang mata niya para hindi niya makit ang nurse na may hawak na pantusok."Okay na po, mrs. Hidalgo. Mag ra-round mamaya
Last Updated : 2025-12-11 Read more