"Sinabi ko sayo na hindi ako titigil, kung hindi ka susunod sa gusto ko ay isasama kita sa pagkasira ko."Napalingon ako.Naubusan ng ipapalit na gasa sa kamay ni Kianu kaya bumaba ako para bumili pero hindi ko akalain na makikita ko ulit si mama."Bakit niyo ba ito ginagawa, mama. Bakit hindi na kang kayo magbagong buhay? At gumawa na lang kayo ng tama at huwag na niyong tuluyang ibaon ang sarili niyo sa pagkasira.""Nasira na simula ng ipinanganak kita, at mas lalong nasira ng ipakulong ako ng Avery na iyon.""Hindi kayo ipapakulong ni Tita Avery kung hindi kayo nakagawa ng masama sa kanya, mama. Kaya huwag ninyong isisi sa iba ang maling nagawa niyo kaya kayo ngayon nasa ganyang kalagayan.""At iyan ba ang itinuro sayo ng pamilyang iyon? Ang sagot-sagutin na lang ako,""Aww, mama, bitawan mo ang buhok ko. Nasasaktan ako.""Hindi ka masasaktan kung sumusunod ka sa gusto ko. Binabalaan kita, Maureen. Kung hindi mo ako bibigyan ng pera ay guguluhin ko ang tahimik mong buhay sa piling
Last Updated : 2025-12-30 Read more