Kay bilis ng pangyayari, dumating ang mga barkada ko sa tamang oras bago pa sila makasugod sa akin ng sabay sabay.Sa bahaging iyon ng campus ay parang dadanak na ng dugo sa naging away namin. At habang nasa kalagitnaan kami ng away ay may dumating na mga guro, guard at iba pang tutulong sa pagpapatigil ng away sa pagitan namin ng grupo ni Vergel.Ngunit napakampante ako, at naging pabaya."Kianu! Sa likod mo."Sigaw iyon ni Maureen, gising na siya ngunit huli na ang babala niya ng maramdaman ko na lang ang biglang pagkirot ng tagiliran ko."Kianu!" napalingon pa ako kay Maureen bago ako tuluyang bumagsak sa lupa.Hindi na naging malinaw sa aking ang mga sumunod na nangyari pero malinaw na narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko na may kasamang pag iyak......"Hindi ako papayag na basta na lang sila makakalaya."Narinig ko iyong sabi ni Mama."I know, so don't worry. Ako na ang bahala sa mga taong iyon.""Siguraduhin mo lang Kendrick. Hindi ko pinalaki ang mga anak ko sa sasaksa
Last Updated : 2025-12-25 Read more