"Baby, huwag mo akong tuksuhin, alam mong hindi ko gusto ang nabibiro." naiinis na ako sa kanya dahil panunukso niya sa akin na sumisikat na raw ako sa social media hindi dahil sa magaling businessman kundi dahil sa nagiging crush na daw ako ng bayan dahil daw sa kagwapuhan ko."Ayaw mo ba nun, hindi na lang ako ang nagkakagusto sayo, sabi ko sayo. Kahit na nagkakaedad ka ay gustong gusto ka pa rin nila.""Baby, isa pa!" pagbabanta ko sa kanya. "Saka hindi pa ako ganun katanda, wala pa ako sa kuwarenta.""Haha," natawa talaga siya kaya hinawakan ko siya sa baywang at kiniliti na lang siya."Ahh, sandali. Nakikiliti ako, Kendrick. hahaha." namimilipit na siya sa katatawa.At dahil sa narinig na sa labas ng kwarto namin ang kanyang tawa at nagmamadaling pumasok ang kambal."Sali kami," natutuwang sumampa na rin sila sa kama at ako ang kiniliti nilang dalawa.Kaya ang labas ay ako ang pinagtulungan ng mag iina ko......Mapapakamot na lang ako ng ulo ng muli kong makita si Ms. Javier.Ii
Last Updated : 2025-12-16 Read more