LILY'S POV“Masikip?” Ngumisi siya. “Hindi mo lang alam, matagal ko nang gustong magsiksikan tayo nang ganito.” Napataas ako ng kilay. “Anong ibig mong sabihin—”“Ang ibig kong sabihin, gusto kong lagi kang ganito kalapit sa akin,” putol niya, sabay tulak ng dulo ng ilong ko gamit ang daliri. “Lalo na kapag nagmumukha kang antok na antok.”Natawa ako. “Wade, ang corny mo.”“Corny? Hindi mo ba alam, sa ganitong posisyon, ako na ang pinakamasayang tao sa hospital na ‘to.”Napailing ako pero hindi ko maitago ang ngiti. Dumulas ang kamay niya sa buhok ko. Hinaplos niya iyon nang dahan-dahan, halos parang may hinahanap.“Anong ginagawa mo?” tanong ko.“Tinitingnan ko kung totoo kang tao,” sagot niya, seryoso ang tono pero may ngiting naglalaro sa labi. “Baka kasi panaginip lang ‘to. Ayaw mong aminin na mahal mo rin ako. Akala ko hindi na tayo magkakaayos – not that I will let that happen. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka umaamin. And I was right, umamin ka nga.”Natigilan ako. Nakat
최신 업데이트 : 2025-11-11 더 보기