LILY'S POV“Saan ka pupunta?” tanong ni Wade habang nakahiga pa rin sa kama. Medyo paos ang boses niya, halatang kakagising lang.Napalingon ako sa kaniya habang inaayos ang bag ko. “Uuwi lang muna ako saglit,” sagot ko, pilit na kalmado. “Magbibihis lang ako, baka amoy hospital na ’ko.”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Hindi mo kailangang magmadali. P’wede mo namang ipakuha kay Wayne ang mga gamit mo,” sabi niya, parang hindi siya kumbinsido.Ngumiti ako, pilit na natural. “Okay lang. Gusto ko ring makaligo sa bahay. Maiba naman ang hangin. Isa pa nakakahiya naman kay Wayne kapag gano’n.”Tinitigan niya ako nang ilang segundo, para bang sinusuri kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. Pero sa huli, bumuntong-hininga lang siya at tumango. “Sige. Pero kumain ka muna bago ka umalis, ha? At mag-ingat sa daan. Tawagan mo ako ‘pag nakarating ka na.”Ngumiti ako, pero may kung anong kumurot sa dibdib ko. “Oo, Wade. Don’t worry, babalik agad ako. Saka ikaw rin kumain ka at kapag may pagkain n
최신 업데이트 : 2025-11-12 더 보기