Mapait na nagtangis ang mga luha ni Coco nang binawi niya ang kamay. “P-Pathetic? Ako? Ikaw, ano ka? Ano kang klaseng asawa na iniiwan ang buntis niyang asawa para makipaglampungan sa ibang babae? Sini siya? Sabihin mo!” Nabasag ang marupok niyang boses na parang basa nang sumigaw.Nilamukos nito ang kanyang bibig, bumakas ang panic sa mukha nito.“Bitawan mo ko!” Tili niya, winasiwas ang sarili. “Bitawan mo ko, hayop ka! Sino ba ang babaeng iyon? Sabihin mo ang pangalan niya, kung ayaw mong balikan ko siya at mapatay ng di oras!”“Huwag kang gumawa ng eksena dito!” babala nito, humahangos din sa galit. “She’s nobody, do you hear me? Just some woman who works here. That’s it.” Hinablot nito ang palapulsuhan niya, pinipilit siyang kaladkarin patungo sa exit. “Umuwi na tayo ngayon din!”Pumiglas siya, tinaas ang boses. “Ah, ito pala ang sinasabi mong ‘business dinner’? Palaging mauuwi sa hotel room kasama ang ibang babae pagkatapos makipag-entertain sa foreign clients mo, tama? Bitawan
Huling Na-update : 2025-10-01 Magbasa pa